Mga Klase ng Sweldo

It's payday Friday! And guess what, madaming mall ang may sale ngaun. Pero bago mag-shopping for Christmas gift giving, I'd like to share with you this photo. Actually I have already shared it in our Facebook page and madaming naka-relate talaga.

credit to the owner

Mga Klase ng Sweldo (Types of Wage)
  • Sibuyas na Sweldo - Kapag hinati-hati mo na sa gastusin...mapapaluha ka
  • Pampapayat na Sweldo - Habang tumatagal pakonti ng pa konti ang natitirang pang kain mo
  • Magic Sweldo - konti kumpas lang ng kamay at VOILA!...wala na sya
  • Mala-bagyong Sweldo - Di ka sigurado kung kailan ito darating at kung gaano ito tatagal
  • Korning Pelikulang Sweldo - Tinatawanan mo na lang para di ka mabwisit
  • Konserbatibong Sweldo - Nakakawala ng inspirasyon
  • Reglang Sweldo - Isang beses isang buwan lang dumating at tumatagal lang ng 3 araw


Nakakatuwang isipin kung anong klaseng sweldo ang meron ka pero sa kabilang banda, gusto mo ba na lagi na lang ganyan ang nangyayari sa perang pinaghirapan mo? O, gusto mo ng pagbabago? If yes, disiplina ang kailangan mo!
  1. 10-20-70 Rule: Once you have received your salary, ibalik kay God ang 10% (tithe), ilagay sa savings at palaguin sa investments ang 20% at kung ano ang matira na 70% yung lang ang gagastusin.
  2. Increase income by having businesses on the side:  Mahilig ka ba magluto or may talent ka na kailangan ng iba? Now is the time na mag-negosyo ka. Hindi kailangang ng malaking capital basta gusto mo ang ginagawa mo, kikita ka by serving others. 
  3. Before buying anything, isipin mo muna if it is a need or want: Kung hindi mo kailangan, wag mong bilhin. Sa ganitong paraan, mas madami kang maiipon.
  4. Stop using credit card if hindi emergency need:  Walang masama if gagamit ka ng credit card, basta bayaran mo lang ng buo on time para walang interest kang babayaran.


Naalala ko tuloy si Ms. Weng na isa syang kasambahay pero nag-open na sya ng Mutual Funds account nya. Ang galing noh! Kaya mo rin yan! Disiplina lang ang kailangan.

Tandaan, wala sa malaki o maliit na sweldo ang mahalaga kung ano ang tinatabi mo at pinapalago.

Share this

Related Posts

Previous
Next Post »